Sa mga pahina mahahanap ang mga bagong makata
FeaturesBy Simoene Retes · September 15, 2026
Lahat ng bagay ay mayroong kuwento, at para masabing kuwento ang isang bagay, kailangan nito ng mga tauhan, tagpuan, banghay, suliranin, at tema. Ngunit ang nakaliligtaan ng lahat, kailangan ng isang kuwento ang mga taong maglalakas-loob upang piliing sumulat at simulan ang una nitong pahina.
Sa 50 taon ng Gabay bilang organisasyon, ilang miyembro na ang dumaan at pansamantala itong ginawang tahanan sa loob ng Ateneo. Sa ibang salita, 50 taon na ring may patuloy na pumipiling sumulat at dagdagan ang kuwento ng Gabay kada taon.
Sa bawat pagbubukas ng panibagong akademikong taon, ang taunang Recruitment Week (RecWeek) ang siyang nagsisilbing unang pasilip ng buong komunidad ng Ateneo sa mga adbokasiya, adhikain, at mga inisyatibo ng organisasyon. Kaya naman, hindi maikakaila ang kahalagahan ng proyektong ito na pinamunuan ngayong taon nina Gab Dela Rosa (4 BS LM) at Alex Sevilla (4 AB PSY).
Ngunit bago sila naglakas-loob na ibahagi ang bagong kabanata ng Ateneo Gabay sa komunidad ngayong taon, nauna muna silang tumaya at lumahok sa pagsusulat ng mga nagdaang kabanata ng organisasyon.
Noong Unang Panahon…
Bawat tauhan ng isang kuwento ay mayroong sariling landas na tinatahak, at walang pinagkaiba rito ang mga RecWeek Project Heads. Magkaiba man ang kanilang pinanggalingan, ngunit parehong rason ang nagtulak sa kanila upang sumali sa Gabay: ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa edukasyon at komunidad.
Para kay Dela Rosa, ang pagsali sa Gabay ay isang paraan upang maipakita ang kanyang pasasalamat matapos mabigyan ng pagkakataong maging iskolar ng Ateneo. Sa kabilang banda, tinuturo naman ni Sevilla ang kanyang mga kaibigan at ang kanyang interes sa edukasyon bilang mga pangunahing rason sa pagsali. Kung kaya’t hindi na rin nakapagtataka na apat na taon na rin silang nagseserbisyo para sa mga Erya Kids bilang mga miyembro ng Education Operations (EdOp) Committee.
Sa kanilang pagpasok sa Gabay at sa dinami-raming proyekto na puwedeng pagpilian, ang naging unang proyekto ni Dela Rosa sa organisasyon ay ang Lente, ang taunang programa ng Gabay para sa Talakayang Alay sa Bayan (TALAB). Makabuluhan ang proyektong ito para sa kanya dahil “…hindi lang kami gumagawa ng mga proyekto para matapos ang isang event,” bagkus, dito niya nakita kung papaanong pinipili ng organisasyon na ipaabot at ibahagi ang mga adbokasiya at inisyatiba nito sa mas malawak na komunidad ng Ateneo.
Higit pa rito, sa Lente rin mas nakilala ni Dela Rosa ang kultura at komunidad ng Gabay na siya namang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang pagiging aktibo sa pagsali sa mga proyekto ng organisasyon.
Sa kabilang banda, ang Gabay Orientation Seminar o GOrSem, na layong ipakilala sa mga bagong miyembro ang mga komite ng organisasyon, ang naging unang proyekto ni Sevilla sa Gabay bilang bahagi ng Creatives Committee nito. Ayon sa kanya, dito niya natutunang mas magtiwala sa kanyang sarili at kakayahan dahil na rin sa mga kapwa niyang core team na buong-pusong tinulungan at ginabayan siya noong kinailangan niya ito. Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga proyektong gaya nito, nakatutulong siya pabalik sa komunidad kahit bilang mag-aaral pa lamang.
Binanggit din ni Sevilla ang kasalukuyang Internal Vice President (IVP) na si Sam Madueño bilang isa sa mga rason kung bakit siya mas naging aktibo at nagkaroon ng lakas ng loob para umako ng mas malalaking papel sa loob ng organisasyon. Dahil umano sa pagtitiwala at pagbabahagi nito ng mga oportunidad sa kanya, ngayon ay Head Deputy na rin si Sevilla ng Human Resources Management and Development sa ilalim ng Office of the IVP, maliban sa kanyang pagiging RecWeek Project Head.
Tungo sa Kasukdulan at Kakalasan
Sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon, bakit nga ba paulit-ulit na pinipili ng mga manunulat na magpatuloy sa kanilang kuwento? Maaari sigurong ang simpleng dedikasyon o pagmamahal ang sagot sa tanong ito, dahil kahit anong problema ang dumating—maubos man ang tinta ng panulat o mapunit ang papel na sinusulatan—sapat na ang dalawang iyon para magpatuloy, at sang-ayon sina Dela Rosa at Sevilla sa sentimyentong ito.
Ani nila, ang pagmamahal para sa komunidad ng organisasyon ang naging pangunahing rason upang manatili at patuloy na tumaya. Sa Gabay, hindi lang trabaho at parehong adbokasiya ang nagbubuklod sa komunidad, kundi tunay na mga relasyong maaasahan at laging handang makinig, umunawa, at sumama.
Subalit, higit sa lahat, iba pa rin daw ang ibinibigay na saya at pagmamahal ng pagkakaroon ng dedikasyon sa paglilingkod sa mga sektor ng Gabay. Dagdag ni Dela Rosa, “Sa tuwing nakikita kong nagbubunga ang mga proyekto at inisyatibong nakatuon sa [mga Atenistang iskolar at Erya Kids], doon ko mas nararamdaman kung bakit sulit manatil[i] dito.”
At kung paanong nagsulat sina Dela Rosa at Sevilla sa bawat pahina ng kuwento ng Gabay ay siya ring pag-ambag ng organisasyon sa sariling kuwento ng dalawa. Dahil sa Gabay, nagkaroon si Dela Rosa ng pagkakataong makilala at linangin ang sarili, lalo na sa mga bagay na kanyang pinahahalagahan. Gayundin, natagpuan ni Sevilla ang natatanging pagmamahal niya para sa paglilingkod. Ang trabaho ay parang hindi trabaho para sa kanya lalo na’t alam niyang hindi lang sarili niya ang kanyang natutulungan kundi ang iba rin.
Sa ganitong paraan, tinuruan si Sevilla ng organisasyon na lagi’t laging may paraan upang makatulong at maglingkod sa kapwa. Hindi nakabatay sa laki o bigat ng pagtulong ang magiging epekto nito dahil basta’t may pagkilos, may pagbabagong matatamo.
At gaya nga rin ng sinasabi ni Dela Rosa, “…mas masarap at mas [makabuluhan] magsilbi kapag alam mong hindi ka naglilingkod nang mag-isa.” Sa Gabay ay laging may komunidad na handang kumilos nang buong puso, hindi lang para sa iisang layunin at adhikain para sa edukasyon, kundi para “[magtulak] sa iyo na maging mas mabuting bersyon ng sarili mo.”
At sa Wakas…
Makapangyarihan ang mga libro dahil pinalalaki ng mga ito ang mundo ng isang tao. Sa pamamagitan ng mga letra at salitang pinagtagpi-tagpi at hinabi ng mga manunulat, nahihikayat ang mga mambabasa na palalimin ang kanilang kaalaman at mga pananaw sa buhay hanggang sa kinalaunan, ang mga dating nagbabasa lamang ang siyang mga makata na ngayon.
Mula sa pagiging baguhan sa organisasyon, sina Dela Rosa at Sevilla na ang mismong nagbubuklat ng bagong pahina ng Gabay para sa buong komunidad sa pamamagitan ng RecWeek ngayong taon. Nang tanungin kung bakit nila napiling maging Project Head ngayong taon, idinahilan nila ang kanilang pagmamahal sa organisasyong nagmahal din sa kanila pabalik at ang pagkilala sa ika-50 taon nito bilang isang pangalawang tahanang kumupkop sa hindi mabilang na mga Gabayano.
Sa pagiging Project Heads, binuksan nina Dela Rosa at Sevilla ang pintuan para sa komunidad ng Ateneo na minsan ding binuksan para sa kanila. Sa ganitong paraan, natutulungan din nila ang organisasyon na magpatuloy at maging tahanan pa ng mas maraming mga Gabayano sa hinaharap dahil ayon nga kay Dela Rosa, “[l]aging bukas ang pinto ng Ateneo Gabay” sa kahit sinong “handang makinig, matuto, at makiisa.”
Binigyang-diin ito ni Sevilla sa pagsasabing nakapagpapabago ang organisasyon ng Gabay at malinaw ito sa mga kilos ng mga kasalukuyang miyembro nito. Ang mga kuwento nina Dela Rosa at Sevilla ay munting pasilip lamang sa kung paano pinahahalagahan ng mga Gabayano ang kanilang adhikain para sa mas de-kalidad na edukasyon. Lahat ay nagpupursigi; lahat ay nagsasama-sama para sa iisang layunin.
Dahil dito sa Ateneo Gabay, hindi pala-isipan kung bakit dapat manatili o patuloy na isulong ang pagbabago para sa mga sektor—sapagkat ang organisasyon na mismo ang magbibigay ng rason upang humila at tumulak sa mga taong handang magsilbi at patuloy na tumaya para sa mga iskolar, Erya Kids, at mga Gabayano.